Saturday, November 7, 2020

Arnel Ignacio, nagsalita na sa pangalalait na ginawa sa kanya ng aktres na si G. Tongi

Nagsalita na rin ang dating host at aktor na si Arnel Ignacio matapos mag-viral kamakailan.

Matatandaan na nag-trend si Ignacio matapos syang maglabas ng kanyang opinyon tungkol sa mga kapwa nya sa industriya.

 

 

Walang nabanggit na pangalan si Arnel sa kanyang viral na post. Pero maraming netizens ang nagsabi na tila ito ay patama sa aktress na si Angelica Panganiban.

 

 

Matatandaan na umani ng samut-saring komento si Angelica matapos syang mag-tweet sa kasagsagan ng bagyong Rolly nito lang nakaraang linggo.

 

 

Walang ring nabanggit si Angelica pero sa mata ng mga netizens, malinaw na ang gobyerno ang pinaringgan nya sa nasabing tweet.

 

 

Magkahalo ang naging reaksyon ng mga netizens sa sinabi ni Angelica. May ilan na sumang-ayon sa kanya pero tila mas marami ang tumuligsa.

May ilan pa nga na nagsabi na baka siya ang natutulog dahil hindi sya “updated” sa mga effort ng pamahalaan at local government unit para agarang matulungan  ang mga tinamaan ng bagyong Rolly.

Kaagad naman nagbigay ng komento ang dating aktres na si G. Tongi sa nasabing tweet ni Arnel. Pero di tulad ng dalawa, deretsahang binanggit ni Tongi si Ignacio sa kanyang post.

 

 

Hindi rin ikinatuwa ng ilang netizen ang naging opinyon ni Tongi.

May ilan na nagsabi na maganda na sana ang kanyang naging unang pahayag pero pumangit ito ng personal na nyang nilait ang pagiging kalbo ni Arnel.

Isa na rito ang veteran aktres na si Aiko Melendez na tinawag na “low blow” ang pangungutya na ginawa ni Tongi kay Arnel.

 

 

Dagdag pa nya, walang masama sa pagbibigay ng opinyon sa mga bagay bagay pero iba na raw kapag ginawa mong katatawanan ang kapintasan ng iba.

Matatandaan na tulad ni Arnel, nakatanggap din ng pang-ba-bash si Aiko dati dahil sa kanyang kapintasan dahil sa kanyang timbang.

 

 

Sa kanyang Youtube channel, tuluyan na ring nagsalita si Arnel sa mga pangmamaliit ni G. Tongi. Pero di tulad ng inaasahan ng marami, isang mahinahon at natatawa pa ngang Arnel Ignacio ang nagbigay ng kanyang sagot.

 

Ano ang inyong masasabi?

 

 

 

The post Arnel Ignacio, nagsalita na sa pangalalait na ginawa sa kanya ng aktres na si G. Tongi appeared first on Trendz PH.


Source: Trendz OH

No comments:

Post a Comment