Thursday, October 29, 2020

Michelle, Payag Makipag-ayos Kay Tekla Kapalit Ang Isang Matinding Kondisyon

Matapos ang kontrobersiya na kanilang kinasangkutan, handa na ngayon si Michelle Lhor Bana-ag para makipag-ayos sa komedyanteng si Super Tekla.

Matatandaan na dumulog si Michelle sa programa ni Raffy Tulfo na “Raffy Tulfo in Action” para ireklamo ang komedyanteng si Super Tekla sa hindi umano maayos na sustento na binibigay nito sa kanilang pamilya.

 

 

Ayon pa kay Michelle, hindi daw nagbibigay o nag-iiwan man lang si Tekla ng pera sa kaniya pambili nilang pagkain sa tuwing hindi siya pumapayag na mak1pagt4lik dito.

Ngunit, ngayon ay tila nagbago na ang isip ni Michelle at sinasabi na nais na niyang makipag-ayos sa dating live-in partner para na din daw sa kapakanan ng kanilang apat na buwang taong gulang na anak na si baby Angelo.

 

 

“Isa rin po sa dahilan kung bakit nakipag-ayos na po ako ay dahil sobrang str3ss na ako at para na rin po sa anak ko. Kasi ayaw ko namang malaman niya paglaki niya kung anong nangyari sa amin ng tatay niya.”

 

 

Umamin din si Michelle na gumamit nga siya ng il3gal na gamot noong. Ngunit, nais na niyang tapusin ang mga negatibong komento na natatanggap nila mula sa mga netizens online. Ayon kay Michelle, maging ang miyembro ng kaniyang pamilya ay nasasangkot na din sa isyu kahit sila ay inosente at walang kinalaman dito.

 

 

“Ang daming netizens po na g4lit na g4lit sa akin, sa pamilya ko, sa mga pamangkin ko at may pagbabanta pa. Totoong nagkamali po ako rati, nagkab1syo pero inaayos ko naman na ang buhay ko. Sana po huwag idamay ang mga pamangkin ko kasi pati pag-aaral nila nadadamay na.”

 

 

Nakipag-ugnayan naman na ang kapatid ni Michelle kay Tekla para maayos ang isyu sa pagitan nila. Noong una ay pumayag na ang komedyante na makipag-ayos sa isang kundisyon na hindi na niya susuportahan ang mga kapatid ni Michelle at ang mga anak nito. Gayunpaman, hindi pumayag si Michelle sa kanilang set-up.

 

 

Sa halip ay pinili ni Michelle na maghiwalay na lamang sila at bigyan na lamang ni Tekla ng suporta ang kanilang anak. Ang manager naman ni Tekla na si Rose Conde ang naging saksi nang pinirmahan ng dalawa ang kanilang agreement.

 

 

Samanatala, sa latest vlog naman ni Donita Nose ay ipinakita ni Tekla ang nakakaawang kalagayan ng kanilang condo unit matapos itong iwan ni Michelle at ng pamilya nito. Maliban sa pagbebenta ng ilang kagamitan mula sa condo ay iniwan pa ito ni Michelle at ng kaniyang pamilya na marumi at makalat.

SOURCE:

The post Michelle, Payag Makipag-ayos Kay Tekla Kapalit Ang Isang Matinding Kondisyon appeared first on Trendz PH.


Source: Trendz OH

No comments:

Post a Comment